Pages

Wednesday, January 18, 2017

Embutido




Sa totoo lang, ang Noche Buena ng mga Pinoy ay di kumpleto kung wala nitong classic na Embutido. Pero minsan nakikita na rin natin itong hinahain tuwing may piyesta at merong may kaarawan. Kaya naman hindi maaring di ko ito maisama sa aking blog. Dahil bukod sa ito ay masarap, ito rin ay paborito ng aking mga anak. Madali lamang gawin pero talaga namang napakasarap..Enjoy!

Mga sangkap:
  • 1/2 kilo ng Pork
  • 1 pirasong Itlog (Egg) 
  • 1/4 tasa ng Tomato Sauce
  • 1/4 tasa ng Sweet Pickle Relish
  • 1/4 tasa ng Carrots (hiniwa ng maliliit na cubes)
  • 1/4 tasa ng Red Bell Peppers
  • 1/4 tasa ng Raisins
  • 1/4 tasa ng Sibuyas (Onion), hiniwa ng maliliit
  • 2 pirasong nilagang itlog (hard boiled egg) (hinati sa apat ang bawat isa)
  • 6 pirasong Vienna Sausage (hinati sa gitna)
  • 1 tasa ng Bread Crumbs
  • 1/2 kutsari ng Asin (Salt)
  • 1/4 kutsari ng Ground Black Pepper
  • Aluminum Foil (for wrapping)

Paraan ng pagluto:
  1. Sa isang malalim na mixing bowl, pagsama-samahin ang pork, carrots, bell peppers, pickles, raisins, onion, raw egg, bread crumbs, asin at paminta. Haluin ng maigi at isantabi muna sa loob ng 30 minutes.
  2. Maghati ng aluminum foil pakwadrado at ilatag ang pork embutido mixture.
  3. Iayos ang sausage at hard-boiled eggs ng salitan sa ibabaw ng nilapag na pork embutido mixture.
  4. Ihugis ito ng tulad ng isang roll na may 5-6 inches ng lapag, ibalot sa foil at i-twist ang magkabilang dulo para secure ang bawat dulo..
  5. Ilagay sa steamer at steam ang pork embutido sa loob ng isang oras. Let it rest hanggang lumapig ito.
  6. Refrigerate muna bago lutuin. 
  7. Tanggalin ang balot na foil, tapos ay initin muli (prito o steam) at pagkatapos ay slice ito bago ihain.

Mga tips:
  • Minsan ay ginagamit ito ng all-purpose flour sa halip na bread crumbs. Subalit minumungkahi bread crumbs na lamang ang gamitin sapagkat maaaring mawawalan ng lasa ito o mabawasan kung all-purpose flour ang gagamitin.
  • Maaari din lagyan ito ng grated cheese kasama ng pork embutido mixture.

Panooring ang video:




Para sa inyong kaalaman:

Ang Embutido (Spanish and Brazilian Portuguese), enchido (European Portuguese) o embotit (Catalan) ay isa sa mga iba't ibang uri ng cured, dry sausages ma matatagpuan sa mga lutuin ng Iberia at ng mga dating nasasakupan ng Spanish at Portuguese colonies.

An embutido ay isang klase ng sausage na matatagpuan sa bansang Spain, Portugal, Philippine at Latin America. It ay may kasamang hashed meat, madalas ay pork, sinangkapan ng aromatic herbs or spices (pepper, red pepper, garlic, rosemary, thyme, cloves, ginger, nutmeg, etc.) at ito ay inihahain bilang "embutido," na nangangahulugang binalot sa balat ng skin of the pig's intestines. Samantala ang mga mass-produced embutidos ay kadalasang ibinabalot sa artificial pero maaaring kainin balat.

May iba't ibang uri ng sausages, tulad ng cured (chorizo, salami, cured loin, and sobrassada) or cooked (morcilla or androlla). Ang Filipino embutido madalas mayroong  kasamang raisins.

Sa Uruguay, ang chorizo at nangangahulugang fresh sausage, lightly seasoned, na niluluto sa hot coals.

No comments:

Post a Comment