Ito ang aking all-time favorite na pork dish. Naaalala ko pa noong aming kabataan, na ito ay madalas lutuin ng aking Nanay tuwing araw ng linggo para ulam sa pananghalian. Madalas tuwing linggo pagkat ito ay araw na walang pasok lahat ng kasama namin sa bahay ay nandoon. Tanda ko pa ay kagulo kami magkakapatid. Unahan kung sino ang unang nakakahawak ng kutsara para maglagay ng sarsa sa kanin nya, sapagkat sarsa pa lamang nito ay ulam na. Palibhasa ay di gaanong masarsa ito. Masarap ito lalo na kung mainit ang kanin at may kasalong isang malaking baso ng Coke. Uhhmmm!!! Heaven talaga!!! There's nothing like it....
Mga sangkap:
- 1 kilo ng Pata (front), hiniwa na may 2 inches ang kapal
- 1 kutsarita ng Bawang (Garlic), hiniwa ng maliit
- 1 medium Sibuyas (Onion), hiniwa ng maliit
- 1 kutsarita ng Pamintang buo, (Whole Peppercorn)
- 3 tasa ng Pineapple Juice
- 2 tasa ng tubig
- 3 kutsara ng Toyo (Soy Sauce)
- 3 kutsara ng Mantika (Cooking Oil)
- 3 pirasong tuyong dahon ng laurel (dried Bay Leaves)
- 3 kutsara ng Brown Sugar
- 1 kutsarita ng Asin (Salt)
- Gamit ang may kalaliman ng kawali ay igisa ang sibuyas at bawang sa mainit na mantika. Halu-haluin hanggang sa lumabas ang bango nito. Idagdag ang pamintang buo. Haluin.
- Ilagay ang Pata, sear in all sides, sa loob lamang ng tig-5 minutes bawat side .
- Ibuhos ang pineapple juice at tubig at hayaan itong kumulo.
- Kapag kumulo na ay idagdag ang toyo at dahon ng laurel. Pahinaan ng kaunti ang apoy. At hayaan itong kumukulo sa loob ng 60-90 minutes. Magdagdag ng tubig kung kinakailangan,depende sa gusto nyo ng daming ng sarsa nito.
- Idagdag ang brown sugar at haluin ito ng maigi. Lagyan ng asin. At hayaan pa rin kumulo hanggang sa kumunti ang sarsa nito at lumambot na ang karne.
Mga tips:
- Maaari ninyong lagyan ito ng mga non-soda drinks gaya ng 7up or Sprite. Mga isang tasa ang dami. Dagdag lasa at makakatulong ito sa bilis ng paglambot ng karne.
Panooring ang video:
Para sa inyong kaalaman:
Ang Hamonado, (not to be confused with Hamon or Glazed Bone-in Ham), ay isang Filipino dish na mayroong pork na niluto sa pineapple (and/or orange, calamansi) juice. Kadalasan ang Hamon ay inihahain tuwing may special occasions gaya ng Pasko (Christmas) o Bagong Taon (New Year), ang Hamonado ay masasabing pedeng araw-araw na lutuin at ulamin.
Ang Hamonado, (not to be confused with Hamon or Glazed Bone-in Ham), ay isang Filipino dish na mayroong pork na niluto sa pineapple (and/or orange, calamansi) juice. Kadalasan ang Hamon ay inihahain tuwing may special occasions gaya ng Pasko (Christmas) o Bagong Taon (New Year), ang Hamonado ay masasabing pedeng araw-araw na lutuin at ulamin.
No comments:
Post a Comment