Medyo natagalan ako bago ko nakuha ang tamang timpla nito na maari kung mahahalintulad sa brownies pero make no mistake, ito ay steamed not baked in the oven. At masasabi kung addictive talaga sa gaya in ng brownies. Parang bawat kagat ay laging kulang na gusto mo pa ulit ng isa at isa pa at isa pa....
Mga sangkap:
- 1 tasa ng All-Purpose Flour
- 1/2 tasa ng Cocoa Powder
- 1 tasa ng Brown Sugar
- 2 kutsara ng Baking Powder
- 1 kutsarita ng Salt
- 1 tasa ng Evaporated Milk
- 1/2 tasa ng Vegetable Oil
- 1 large beaten Egg
- Powdered Sugar or Choco chips (optional topping)
- Sa isang mixing bowl, salain ang flour, cocoa, sugar, baking powder at salt. Pagkatapos ay haluin ng maigi.
- Sa isa pang mixing bowl, paghaluin ang beaten egg, milk and vegetable oil. Haluin ng maigi at siguraduhing ang lahat ng sangkap ay humalo.
- Kasunod ay unti-unting ihalo ang egg + milk mixture sa inyong dry ingredients. Haluin ng maigi upang masigurong walang lumps.
- Lagyan ang cupcake molds ng 3/4 full ng mixture, pagkatapos ay ilagay ito sa isang steamer.
- Steam ito sa loob ng 18 - 22 minutes.
Mga tips:
- Maaaring palitan ang vegetable oil at sa halip ay melted butter ang gamitin para sa mas masarap na lasa at dagdag bango.
Panoorin ang video:
Para sa inyong kaalaman:
Ang Puto ay isang uri ng steamed rice cake na kadalasang inihahain bilang meryenda kasama ng ibat' ibang savory dishes tulad ng dinuguan o pancit. Minsan ito ay may toppings na kinayod na niyod o di kaya naman ay cheese. Minsan ay pinapahiran ito ng melted butter sa ibabaw naman.

No comments:
Post a Comment