Pages

Saturday, November 4, 2017

Ube Halaya



Wow! Medyo natagalan ako para makapag post ulit ng bagong recipe dito sa blog ko. Kaya naman ganun na lamang ako ka excited at saya, na finally nagkaroon ako ng pagkakataon na ma click ulit yung Publish button. Hahaha! Biro lang po. Pero sa totoo lang, nakakapagod itong bago kung recipe. Talagang nakakangalay sa balikat pero worth it naman ang effort. Ika nga eh, labor of love. Favorite ito ng mga anak ko kaya no worries ang pagod.


Mga sangkap:
  • 1 kilo kinudkod na Ube
  • 1 can Evaporated Milk
  • 1 can Condensed Milk
  • 2 tasa ng White Sugar
  • 1 tasa ng Butter
  • 2 kutsarita ng Vanilla Extract
  • 2 tasa ng Grated Cheese (optional)
  • 1 kutsarita ng food color (optional)

Paraan ng pagluto:
  1. Gamit ang isang malapad at malalim na kawali ay pakuluin ang evaporated milk, kasama ng asukal at butter gamit ay katamtamang apoy lamang.
  2. Kapag nagsimula na itong kumulo, ay idagdag na ang food color.
  3. Pagkatapos ay idagdag na ang  kunodkud na Ube. Halu-haluin ng madalas hanggang sa magsimula ng ito matuyo.
  4. Kasunod na idagdag ang condensed milk. Halu-haluin pa rin ng madalas hanggang sa ito ay tuluyang humalo at lumapot.
  5. Idagdag ang cheese at halu-haluin pa din upang ito ay humalo at tuluyang matunaw ang cheese.

Mga tips:
  • Maari ninyong dagdagan ng gabi or taro para makadagdag sa dami at lagkit ng ating halaya.

Panoorin ang video:




Para sa inyong kaalaman:

Ube jam, ube halaya or halayang ube ay isa sa mga panghimagas na paborito ng mga Filipino. Ito ay gawa sa pinakuluan at dinurog na Ube. Ang Ube halaya ay maaring din gamitin sa mga pastries at iba pa na panghimagas gaya ng halo-halo at ice cream. Ito ay madalas na hinahayin na malamig.

No comments:

Post a Comment