Pages

Monday, March 26, 2018

Pork Dinuguan


Ang pagkakaroon ko ng day time job ay malaking balakid upang ako ay makapagluto ng aking paboritong potahe sa pang-araw-araw. Madalas ay delata na lamang ang aking inuulam o kaya naman ay bibili na lamang ng luto sa karinderia. Subalit kung may pagkakataon gaya ng araw na walang pasok o kaya naman ay holiday. Siguradong di mawawala sa lutuin ko ang Dinuguan. Sapagkat di lamang ito pang-ulam namin, ito rin ay pulutan sa aming regular drinking session, hehehe! Ahemm....pineapple please!!!


Mga sangkap:
  • 1 kilo Pork Liempo, hiniwa ng parisukat
  • 2 kutsara ng Cooking Oil
  • 1 malaking Sibuyas, binalatan at hiniwa ng maninipis
  • 4 butil ng Bawang, binalatan at hiniwa ng maliliit
  • 1 malaking Kamatis, hiniwa ng medyo manipis
  • 1 Luya na kasinlaki ng hinlalaki, binalatan at hiniwa ng maninipis
  • 1 tasa ng suka
  • 2 tasa ng Dugo ng baboy
  • 2 piraso ng Siling haba o pansigang
  • 2 piraso ng Siling labuyo, hiniwa ng maliliit
  • 1.5 kutsara ng Asukal
  • 4 tasa ng tubig
  • 4 piraso ng Dahon ng Laurel
  • asin at paminta

Paraan ng pagluto:
  1. Sa isang kawali ay mag-init ng mantika. Kapag mainit na ay igisa ang luya, kamatis, sibuyas at bawang hanggang sa ito ay maluto at bumango.
  2. Pagkatapos ay ihulog ang hiniwang baboy, haluin at hayaan hanggang ito mag-brown ng kaunti. Isunod na ilagay ang dahon ng laurel at tubig. Hayaan itong kumulo hanggang sa lumambot ang baboy. Maaring magdagdag ng tubig kung kinakailangan. 
  3. Ilagay ang suka subalit hawag muna itong haluin hanggang hindi ito kumulo. Ito ay para maiwasan ito ay maging maasim ang lasa.
  4. Sunod na ilagay ang green peppers, labuyo at asukal. Haluin ng maigi.
  5. Pagkatapos ay ilagay na ang dugo ng baboy. Halu-haluin ito hanggang sa maabot ninyo ang gusto ninyong lapot ng sabaw nito.
  6. Timplahan ito ng asin at paminta.
Mga tips:
  • Huwag muna lagyan ng asin ang baboy hangga't ito ay hindi pa malambot. 
  • Pagkatapos maglagay ng suka, iwasan muna itong haluin upang hindi mangasim ang lasa nito.

Panoorin ang video:




Para sa inyong kaalaman:

Ang Dinuguan ay isang lutuing Filipino na kadalasang ginagamitan ng laman loob ng baboy, tulad ng baga, kidney, bituka, tenga, puso at nguso. Ito ay pinapakuluan kasama ng dugo ng baboy, bawang, sili at suka. Maaari din gamitin ang ibang parte ng laman ng baboy di lamang ang kanyang laman loob. Maari din gamitin ang baka o manok kapalit ng baboy. Kadalasan itong inihahain kasama ng kanin o kaya naman ay puto.

Ang pangalang dinuguan at nagmula sa salitang dugo, na siyang pangunahing sangkap ng lutuin na ito. Ang dugo ng baboy.

No comments:

Post a Comment