Pages

Tuesday, July 31, 2018

Pork Giniling with Quail Eggs


Pasensiya na kayo mga Kabayan! Kapuso! Kapatid! Kapamilya! Medyo natagalan ako sa pagpost ng recipe na ito. Pero huli man daw at magaling ay naihahabol din. Samantala, ito na yata ang pinakamadaling lutuin sa tingin ko na maaaring gawin sa tuwing may handaan at salo-salo. Bukod sa ito ay mura, ito rin ay masustansiya at madaling gawin pangmaramihan. Pero paalala lamang po, tayo ay maghinay-hinay lamang po sa pagkain ng quail eggs, kung ayaw ninyong tumaba at kalaunan ay magka-HB. Indulge!!!


Mga sangkap:
  • 1 maliit na Sibuyas pula, binalatan at hiniwa
  • 2 butil ng Bawang, binalatan at hiniwa ng maliliit
  • 1 kg Giniling na Baboy
  • 1 kutsara ng Patis
  • 1 tasa ng Tomato Sauce
  • 1/4 tasa ng Banana Ketchup
  • 2 tasa ng tubig
  • 1 malaking Patatas, binalatan at hiniwa ng malilit na parisukat
  • 1 malaking Carrots, binalatan at hiniwa ng malilit na parisukat
  • 1 malaking Red Bell pepper, hiniwa ng malilit na parisukat
  • 1 malaking Green Bell pepper, hiniwa ng malilit na parisukat
  • 1/2 tasa ng Raisins
  • 1 tasa ng frozen Sweet Peas
  • 12 piraso ng Quail egg, hardboiled at binalatan
  • asin at paminta

Paraan ng pagluto:
  1. Painitan ang isang kawali. Maglagay ng mantika. Kapag mainit na, ihulog ang sibuyas at bawang. Halu-haluin ng may 1 minuto o hanggang lumabas ang bango nito.
  2. Ilagay ang Giniling na baboy, paminsang haluin ito sa loob ng 6-8 minuto.
  3. Lagyan ng patis, paminsang haluin at hayaan sa loob ng 1-2 minuto.
  4. Kasunod na ilagay ang tomato sauce, banana ketchup at tubig. Paminsang halu-haluin upang masigurong naghalo ng maigi ang mga sangkap.
  5. Kapag nagsimula na itong kumulo, pahinaan na ang apoy. Lagyan ng takip at hayaan ito pa itong kumulo hanggang sa tuluyang lumambot ang karne.
  6. Magdagdag ng tubig kung kinakailangan.
  7. Sunod ay ilagay ang patatas, carrots at hayaan hanggang sa maluto ang mga ito.
  8. At pagkatapos ay ilagay na rin ang red at green bell peppers, raisins, sweet peas at quail eggs.
  9. Paminsang haluin at hayaan itong kumulo hanggang sa tuluyang maluto ang mga gulay at kumunti ang sabaw nito.
  10. Timplahan ito ng asin at paminta.

Mga tips:
  • Huwag munang lagyan ng asin ang niluluto hanggang hindi pa lumambot ang karne. 
  • Maaaring maglagay ng suka, upang maiwasang mapanis agad ang lutuin dahil sa tomato sauce.

Panoorin ang video:




Para sa inyong kaalaman:

Ang pork giniling recipe na ito ay garantisadong masarap at magugustuhan ng buong pamilya. Madali pa itong lutuin. Ang paraan ng pagluto nito ay may pagkakapareho sa pork menudo, chicken afritada, at beef mechado. Pare-pareho itong gumagamit ng tomato sauce. Ang lutuing ito ay gumagamit ng Giniling na babot bilang pangunahing sangkap.


No comments:

Post a Comment