Pages

Tuesday, May 14, 2019

Steamed Fish Tilapia



Sa kasalukuyan ito ang pinakamadaling paraan na alam ko sa pagluluto ng steamed fish. Pero sigurado akong masarap ito at healthy pa. Ito rin ay paboritong ulam ng misis ko. Kaya naman madalas ko itong lutuin kapag may handaan o kaya naman ay galit siya sa akin....Hehehe! Alam niyo na ibig kung sabihin.


Mga sangkap:
  • 1 malaking Tilapia
  • 1.5 kutsara ng Patis
  • 1/4 kutsarita ng Pamita
  • 1 2-pulgada laki ng Luya, binalatan at hiwain ng maninipis
  • 5 tangkay ng green onion (leeks), hiwain ng pahaba at maninipis
  • 2 butil ng Bawang, balatan at hiwain
  • 2 kutsara ng Vegetable Oil
  • 3 kutsara ng Oyster Sauce
  • 2 kutsara ng Tubig
  • 1 kutsara ng Asukal
  • 1/4 kutsara ng Sesame Oil

Paraan ng pagluto:
  1. Hugasan ng maigi ang Tilapia, tapos ay punasan ang katawan at loob ng tiyan nito gamit ang tissue o malinis na pamunas.
  2. Hiwaan ang magkabilang bahagi ng katawan nito ng pahilis na hanggang tinik lang ang lalim.
  3. Samantala, pagsamahin ang patis at paminta sa isang malalim at malapad na bowl.
  4. Ilagay ang Tilapia at siguraduhing malalagyan ng patis ang buong katawan ng isda. At hayaang nakababad ang isda sa patis sa loob ng 10 minutes.
  5. Ihanda na ang inyong steamer at magpakulo ng tubig dito..
  6. Sa isang fish plate o malapad na plato, ilatag ang Luya at green onion at saka ipatong sa ibabaw nito ang Tilapia. Kung maaari ang buong ilalim na bahagi ng isda ay nakapatong sa luya at green onion.
  7. Maglagay din ng luya at green onion sa loob ng tiyan at sa ibabaw ng isda.
  8. Ilagay sa steamer at pakuluan sa loob ng 5-10 minuto depende sa laki ng isda.
  9. Pagkatapos ay tanggalin ang isda sa steamer. Alisin na rin ang mga nalutong luya at green onion.
  10. Sa isang maliit na kawali, painitin ang vegetable oil at ihulog ang hiniwang Bawang.
  11. Halo-haluin hanggang ang bawang ay nagsisimula ng maging kulay brown, tapos ay tanggalin ito sa kawali upang hindi ito tuluyang masunog.
  12. Tapos ay dahan-dahang ibuhos ang mantika sa inyong steamed Tilapia.
  13. Sa parehong kawali, ilagay ang tubig, luya, green onion, oyster sauce at asukal.
  14. Halo-haluin upang matunaw ang asukal, at hayaang kumulo sa loob ng 30 segundo. Pagkatapos ay ilagay ang sesame oil.
  15. Ibuhos ang sauce sa buong katawan ng isda at ilagay pagkatapos ang piniritong bawang sa ibabaw.
  16. Pagkatapos ihain ito at kainan naaaa!!!!

Mga tips:
  • Kung sakaling walang oyster sauce, pwedeng maging kapalit ang pinagsamang toyo at rice wine mixture.
  • Ang hiniwang Luya at green onion ay gagamitin sa tatlong magkakaibang pagkakataon, kaya siguraduhing nahati ang dami nito ng naayon sa inyong gusto.

Panoorin ang video:



Para sa inyong kaalaman:

 Ang Steaming ay isa sa pinakamalusog na paraan ng pagluluto, sapagkat ito ay isa lamang sa paraan ng pagluluto na di gumagamit ng taba o mantika. Ito rin ay isang madaling paraan ng pagluluto na may dulot na kakaibang panlasa sa inyong nilulutong pagkain.

Sa pamamagitan ng pag-steam ng pagkain, ay naiiwasan natin ang mga calories na nakukuha sa butter, mantika at iba pang fats. Ang steaming ay mainam na paraan na pagluluto sa mga maseselang mga sangkap ng pagkain tulad ng isda at shellfish. At higit sa lahat ay pinanatli nito ang mga mahahalagang nutrisyon sa loob ng pagkain at hindi sa mga cooking liquids.


No comments:

Post a Comment