Pages

Thursday, January 7, 2016

Creamy Carbonara




Nowadays, my kids prefer this creamy carbonara than my usual spaghetti meatballs. Not that quite sure though! Hehehe! Anyways, recipe is given below in case you could unlock the mystery behind it. njoy~


Mga Sangkap:
  • 250 grams Spaghetti
  • 1 cup Bacon
  • 1 cup Ham
  • 1 cup Cheddar Cheese (grated)
  • 250ml All-Purpose Cream
  • 370ml Alaska Evaporated Milk
  • 150 grams Sliced Mushroom
  • 3 tbsp Parmesan Cheese (grated)
  • 1 meduim-sized egg (beaten)
  • 1 meduim-sized Onion (minced)
  • 3 tbsp minced Garlic

Paraan ng Pagluluto:
  1. Pakuluin at palambutin ang spaghetti sticks o ayon sa package nito.
  2. Salain ang spaghetti noodle kapag luto na. Isantabi muna
  3. Sa isang skillet, lutuin ang bacon hanggang maging crispy ito. Siguraduhing lagi itong hahaluin para hindi ito masunog. Hanguin at isantabi muna.
  4. Ilagay ngayon ang sibuyas at bawang sa pinagkutuan ng bacon upang magamit ang mantika nito. Laging hahaluin hanggang sa maluto ang sibuyas.
  5. Ilagay din ang ham at mushroom.
  6. Ibuhos ang evaporated milk, all-purpose cream at cheddar cheese. Patuloy parin sa paghalo.
  7. Unti-unting ibuhos ang ang binatil na itlog habang sabay paghalo.
  8. Kasunod na ibuhos ang parmesan cheese. Lagyan ng asin at paminta ayon sa gustong lasa.
  9. Kapag malapot na ang sauce, unti-unti ng ilagay ang spaghetti.
  10. Haluin ng haluin hanggang sa mait-it nito ang sauce at tuluyang mabalot ang spaghetti ng sauce nito.
  11. Ihain ang spaghetti sa serving plate at lagyan ng crispy bacon sa ibabaw nito.
  12. Kainan na!!!!

Tips:
  • Sa pagpapakulo ng spaghetti. Agad haluin ang pasta kasunod ng paghulog nito sa kumukulong tubig. At paminsan-minsan haluin din habang ito ay niluluto upang maiwasan manikit ang mga noodles sa isat-isa..

Watch video here:




No comments:

Post a Comment