Tuesday, May 14, 2019
Steamed Fish Tilapia
Sa kasalukuyan ito ang pinakamadaling paraan na alam ko sa pagluluto ng steamed fish. Pero sigurado akong masarap ito at healthy pa. Ito rin ay paboritong ulam ng misis ko. Kaya naman madalas ko itong lutuin kapag may handaan o kaya naman ay galit siya sa akin....Hehehe! Alam niyo na ibig kung sabihin.
Tuesday, July 31, 2018
Pork Giniling with Quail Eggs
Pasensiya na kayo mga Kabayan! Kapuso! Kapatid! Kapamilya! Medyo natagalan ako sa pagpost ng recipe na ito. Pero huli man daw at magaling ay naihahabol din. Samantala, ito na yata ang pinakamadaling lutuin sa tingin ko na maaaring gawin sa tuwing may handaan at salo-salo. Bukod sa ito ay mura, ito rin ay masustansiya at madaling gawin pangmaramihan. Pero paalala lamang po, tayo ay maghinay-hinay lamang po sa pagkain ng quail eggs, kung ayaw ninyong tumaba at kalaunan ay magka-HB. Indulge!!!
Monday, March 26, 2018
Pork Dinuguan
Ang pagkakaroon ko ng day time job ay malaking balakid upang ako ay makapagluto ng aking paboritong potahe sa pang-araw-araw. Madalas ay delata na lamang ang aking inuulam o kaya naman ay bibili na lamang ng luto sa karinderia. Subalit kung may pagkakataon gaya ng araw na walang pasok o kaya naman ay holiday. Siguradong di mawawala sa lutuin ko ang Dinuguan. Sapagkat di lamang ito pang-ulam namin, ito rin ay pulutan sa aming regular drinking session, hehehe! Ahemm....pineapple please!!!
Saturday, November 4, 2017
Ube Halaya
Wow! Medyo natagalan ako para makapag post ulit ng bagong recipe dito sa blog ko. Kaya naman ganun na lamang ako ka excited at saya, na finally nagkaroon ako ng pagkakataon na ma click ulit yung Publish button. Hahaha! Biro lang po. Pero sa totoo lang, nakakapagod itong bago kung recipe. Talagang nakakangalay sa balikat pero worth it naman ang effort. Ika nga eh, labor of love. Favorite ito ng mga anak ko kaya no worries ang pagod.
Subscribe to:
Posts (Atom)